Libreng Eye Check-Up sa 'Oplan Silipmata,' Gaganapin sa Barangay Niugan
- Angat, Bulacan

- May 9
- 1 min read

Inanyayahan ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang lahat ng mga residente na samantalahin ang gaganaping "Oplan Silipmata" ngayong araw, May 9, 2026.
Sa ilalim ng programang ito, makakakuha ang mga kabarangay ng libreng eye check-up upang masuri ang kalusugan ng kanilang mga mata. Bukod sa libreng konsultasyon, magkakaroon din ng abot-kayang salamin sa mata na nagkakahalaga lamang simula 350 pesos.
Hinihikayat ng pamunuan ng barangay ang mga may problema sa paningin na pumunta sa OLD Barangay Hall, 8:30 am hanggang 2:30pm at makilahok sa proyektong ito upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.









Comments