top of page
bg tab.png

Libreng Dental Mission sa MAFMS, Tagumpay sa Pamamagitan ng Mobile Dental Clinic ng Bayan ng Angat

ANGAT, BULACAN — Isang matagumpay na Dental Mission ang isinagawa sa Matias A. Fernando Memorial School (MAFMS) bilang bahagi ng pagpapatupad ng programang pangkalusugan ng Bayan ng Angat.


Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat kina Dr. Marivic Rimando-Abelardo at sa kanyang mga staff, gayundin kina Dr. Primo De Guia at Dr. Eric Valdecantos mula sa Department of Health (DOH), sa kanilang makabuluhang paglilingkod at malasakit sa mga estudyante ng nasabing paaralan.


Kasama rin sa aktibidad ang mga kasapi ng Jowable Youth, na buong araw na umasiste sa operasyon at nagdaos ng Proper Hygiene Seminar para sa mga bata. Ang kanilang aktibong partisipasyon ay patunay ng kabataang handang tumulong at magbahagi ng kaalaman para sa kapwa.


Sa nasabing dental mission, unang ginamit ang Mobile Dental Clinic ng bayan — isang bus na ipinagkaloob ni Cong. Salvador Pleyto, na layuning umikot sa iba't ibang barangay upang maghatid ng libreng serbisyong dental sa mga mamamayan.


Tunay ngang hindi hadlang ang liit ng pondo ng isang bayan upang makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo sa mamamayan. Sapagkat kapag may malasakit at hangaring tumulong, laging may magagawang paraan. 💚🦷

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page