Laro ng Laking GulayAngat 2025
- Angat, Bulacan
- 3 days ago
- 1 min read
ANGAT, BULACAN — Sa kabila ng init at buhos ng ulan, hindi natinag ang sigla, tapang, at diwa ng bawat Angateño sa masayang pagdiriwang ng Laro ng Laking GulayAngat 2025! 🌽💪
Mula umpisa hanggang katapusan, umapaw ang kasiyahan, sportsmanship, at pagkakaisa ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay — patunay na ang mga Angateño ay tunay na matatag, palaban, at nagkakaisa sa bawat hamon at laro.
Mga Tampok na Laro at Nagwagi:

🏃♂️ Agawang Biik
🥇 Barangay San Roque
🥈 Barangay Niugan
🥉 Barangay Taboc

🎽 Sack Race
🥇 Barangay Taboc
🥈 Barangay San Roque
🥉 Barangay Niugan

🦶 Tiyakad
🥇 Barangay San Roque
🥈 Barangay Marungko
🥉 Barangay Taboc

🪜 Palo Sebo
🥇 Barangay Binagbag
🥈 Barangay Paltok
🥉 Barangay Laog

💪 Tug of War
🥇 Barangay San Roque
🥈 Barangay Taboc
🥉 Barangay Sto. Cristo

⚽ Sepak Takraw
🥇 Barangay Marungko
🥈 Barangay San Roque
🥉 Barangay Pulong Yantok
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng barangay na lumahok at nagpakita ng dedikasyon, disiplina, at diwa ng bayanihan. Sa bawat tawa, sigaw, at laban, muling namutawi ang pagkakaisa, kasiyahan, at tibay ng bawat Angateño.
Ang Laro ng Laking GulayAngat 2025 ay hindi lamang patimpalak ng lakas at galing — ito rin ay selebrasyon ng pagkakaibigan, pagkakaisa, at malasakit para sa mas masigla at maunlad na Bayan ng Angat.
Comments