Lakbay-Takbong Angat: Takbo para sa Kalikasan, Kultura at Kinabukasan
- Angat, Bulacan

- Sep 3
- 1 min read

Sa pakikipagtulungan ng Angat Runners, ilulunsad sa kauna-unahang pagkakataon ang Lakbay-Takbong Angat: Takbo para sa Kalikasan, Kultura at Kinabukasan bilang bahagi ng pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2025.

Para sa mga nais sumali, may tatlong kategorya na maaaring pagpilian:
10KM (Advance)
5KM (Intermediate)
3KM (Family/Entry Level – para lamang sa mga residente ng Angat)
Paraan ng pagpaparehistro:
Online: Punan ang registration form sa link na ito: https://tinyurl.com/Lakbay-Takbong-Angat
Personal: Dumalaw sa Angat Tourism Office upang punan ang Registration Form nang personal.
Ang pagpapatala ay bukas hanggang Oktubre 3, 2025 lamang. Libre ang registration, kaya hinihikayat ang lahat na magmadali at siguraduhin ang kanilang slot.









Comments