Lakbay Bulilit 2026: Mga Daycare Children ng San Roque 1, Binista ang Bagong Munisipyo ng Angat
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapahalaga sa lokal na kultura at kasaysayan, matagumpay na isinagawa ang Lakbay Bulilit 2026 para sa mga mag-aaral ng Daycare mula sa Barangay San Roque 1 nitong nakaraang araw.
Ang programa ay naglalayong imulat ang mga bata sa mga mahahalagang palatandaan at institusyon sa kanilang sariling bayan. Tampok sa kanilang naging lakbay-aral ang pagbisita sa Bagong Municipal Building ng Angat, kung saan personal silang ginabayan ng kanilang mga daycare workers.
Nakiisa sa nasabing aktibidad si Municipal Councilor JP Solis, na bilang isang guro ay nagbahagi ng inspirasyon sa mga bata, kasama si MSWDO Menchie Marcelo Bollas. Sa kanilang pag-iikot, kitang-kita ang pagkamangha at kagalakan sa mga mukha ng mga "bulilit" habang tinitingnan ang arkitektura at mga opisina ng bagong sentro ng pamahalaan.
Ayon sa MSWD Angat, ang ganitong mga inisyatiba ay mahalaga upang habang bata pa ay maitanim na sa isipan ng mga mag-aaral ang pagmamalaki sa kanilang kinabibilangang bayan at maunawaan ang papel ng pamahalaan sa kanilang kinabukasan.









Comments