LAHAT NG SEKTOR, KASAMA SA KAHANDAAN: Angat MDRRMO, Nagturo ng Earthquake Preparedness sa Barangay Encanto
- angat bulacan
- Oct 21
- 1 min read

Angat, Bulacan — Patuloy ang pagsisikap ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na maisama ang lahat ng sektor sa pagpapalakas ng kahandaan sa sakuna. Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) ang isang Earthquake Preparedness Activity sa Ina ng Buhay Foundation sa Barangay Encanto, bilang tugon sa kahilingan ng nasabing institusyon.
Kasama sa aktibidad sina Maria Lilibeth Flores Trinidad, LDRRMO II – Operations and Warning Division Chief, mga personnel mula sa LDRRMO, at ang Angat Rescue Team.
Sa pagdating sa lugar, agad na nagsagawa si G. Rivera ng building inspection upang matukoy ang mga potensyal na panganib sakaling magkaroon ng lindol. Kasama ang mga coordinators ng institusyon, nilibot ang buong gusali upang tukuyin ang mga posibleng hadlang sa ligtas na paglikas, gaya ng matataas na cabinet o hindi matibay na estruktura.
Isa sa mga positibong obserbasyon ay ang malinis at maluwag na mga hallway, na indikasyon ng mas mabilis at ligtas na evacuation kung sakaling magkaroon ng sakuna.
Sa bahagi ng diskusyon, naging aktibo ang mga miyembro ng institusyon sa pakikinig at pagtatanong—palatandaan ng kanilang interes at pagnanais na mapabuti ang kahandaan sa emergency.
Bilang bahagi ng programa at sa atas ni Punong Bayan Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, namahagi rin ang MDRRMO ng mga First Aid Kits na naglalaman ng:
Flashlight
Whistle
Triangular bandage
Gauze pad
Alcohol pad
Ice pack
At iba pang pangunahing kagamitan para sa paunang lunas
Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na layunin ng LGU na gawing ligtas, handa, at may sapat na kaalaman ang bawat sektor ng komunidad sa harap ng anumang sakuna.









Comments