Ngayong araw ay ang huling araw ng Basic Swimming Course training para sa MDRRMO Angat. Layon nito na mas patatagin pa ang mga kakayahan ng bawat isa sa departamento. Gayundin ang mas pinatatag at pinatitibay na koordinasyon ng bawat isa.
Sa unang araw ay nagkaroon nang oryentasyon patungkol sa Basic Swimming Course upang mas mapaglalim pa ang pagtalima sa kung ano nga ba ang dulot at importansya ng training.
Sa ikalawang araw ay sinimulan ang pag tuturo nang basic forms sa paglangoy. Ito ay binigyang importante sapagkat ito ang pinakamahalagang matutuhan ng bawat isa bago tumungo sa mga susunod na pag ensayo.
Sa ikatlong araw ay sinimulan na ituro ang mga iba’t-ibang paglangoy gayundin ang iba’t-ibang uri ng Rescue Swim. Ito rin ang araw na sinelebra ang kaarawan ni MDRRMO Carlos Rivera Jr.
Sa ika apat na araw ay pinulido ang lahat ng natutuhan na mga uri ng pag langoy upang mas maging mainam, maayos, at ligtas ang ating #AngatRescueTeam gayundin ang biktima.
Sa huling araw naman ay nagkaroon ng exam ang bawat isa, written at practical. Dito ipinakita at pinamalas ang mga natutuhan sa Basic Swimming Course Training.
Ikinagagalak na ang lahat ng mga sumailalim sa Basic Swimming Course ay naka pasa!
Lubos na nagpapasalamat ang MDRRMO Angat sa Philippine Red Cross Bulacan Chapter na kaisa upang maisakatuparan ang training na ito at sa ating Punong Bayang Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista na laging naka suporta sa lahat ng mga programa at Proyekto na mag susulong ng Handa, Ligtas, at Panatag na Angat.
Commentaires