Koneksyon sa Pamilya: "Online Bisita" ng Angat PNP, Hatid-Saya sa mga Persons Under Police Custody
- Angat, Bulacan

- Jul 2
- 1 min read

Bilang bahagi pa rin ng malawakang pagpapatupad ng Patrol Plan 2030, naglunsad ang Angat Municipal Police Station (MPS) ng programang "Online Bisita" upang bigyang-daan ang mga Persons Under Police Custody (PUPC) na makapiling at makausap ang kanilang mga kamag-anak sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ngayong Hulyo 2, 2026.
Ang makataong aktibidad na ito ay pinangasiwaan ng Custodial Officer ng istasyon na si Patrolman Ranjit B. Gelantaga-an na nagsimula sa ganap na 9:30 ng umaga.
Sa pamamagitan ng mga video call at voice call gamit ang Facebook Messenger at iba pang social media platforms, nagkaroon ng pagkakataon ang mga nakadetineng indibidwal na makita, makausap, at makumusta ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon sa pamunuan ng Angat PNP, ang "Online Bisita" ay isang epektibo at alternatibong paraan ng komunikasyon upang mapanatili ang ugnayan ng mga nakapiit sa kanilang pamilya. Malaking tulong din ito upang mapalakas ang kanilang moral at emosyonal na kalagayan habang nasa loob ng pasilidad, nang hindi na kinakailangan pang bumiyahe nang malayo ng kanilang mga kamag-anak.
Ang hakbang na ito ay patunay na sa kabila ng pagpapatupad ng batas, patuloy na isinasaalang-alang ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang makataong aspeto at kapakanan ng mga indibidwal na nasa ilalim ng kanilang kustodiya.









Comments