Kolaborasyon Para sa Ligtas na Pamayanan Tungo sa Isang Asenso na Bayan ng Angat
- Angat, Bulacan

- Aug 19
- 1 min read

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pamumuno ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ay nagsagawa ng Table Top Exercise sa Sta. Clara Wika Beton Joint Venture na matatagpuan sa Barangay Encanto.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng programa ng kumpanya upang higit pang mapagtibay ang kahandaan at kaligtasan ng mga tauhan at indibidwal sa loob ng kanilang operasyon. Bilang katuwang, inanyayahan ng Sta. Clara Wika Beton Joint Venture ang Angat MDRRMO upang pangunahan ang Extreme Weather Table Top Exercise. Sa pamamagitan nito, naibahagi ng MDRRMO ang mahahalagang kasanayan, karanasan, at kaalaman upang mapabuti ang paghahanda at pagtugon sa mga posibleng epekto ng kalamidad.
Naging matagumpay at aktibo ang isinagawang pagsasanay, kung saan mas naging malinaw ang mga kinakailangang paghandaan at ihanda ng kumpanya. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, natukoy ang mas epektibong pamamaraan upang makapagresponde nang maagap at maayos sa panahon ng sakuna.
Ang kolaborasyon ng pribadong sektor at ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ama ng Asenso at Reporma at MDRRM Council Chairperson, Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, ay isang patunay ng pagkalinga at pagbibigay-serbisyong publiko sa bawat sektor ng lipunan.
Kung kayo po ay may emergency, maaari lamang tumawag sa Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087









Comments