top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

KAWAYANIHAN NG KABATAAN PARA SA ANGAT NA KINABUKASAN!

Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sa pakikipag kolaborasyon sa Local Youth Development Council, ay isinagawa ang tree planting activity para sa pagpapatuloy sa kaligtasan ng kalikasan.


Humigit dalawang daan ang kabataang lumahok sa aktibidad upang pagtibayin ang kalikasan sa Bayan ng Angat.


Sa pangunguna ni Bb. Alexies Marasigan, nagkaroon ng koordinasyon ang Angat Local Youth Development Council at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni G. Carlos R. Rvera Jr., MGDH I - MDRRMO upang magbigay karagdagang tulong at materyales para sa aktibidad na ginanap sa Tugatog, Marungko.

Nagkaroon ng maikling programa ang aktibidad na pinasimulang ng panalangin. Nagbigay mensahe naman sina Hon. Mary Grace Evangelista at Alexies Marasigan na parehas hinihimok ang mga kabataang gampanan ang tungkuling pangalagaan ang kalikasan.

Agad naman itong sinundan ng pagtuturo patungkol sa tamang pagtatanim ng bamboo tree na pinangunahan ni Maam Melva Dizon upang maging episyente ang mga itatanim na mga kawayan.


Matapos nito ay nagtungo ang mga kabataan bitbit ang mga punlang kawayan upang sabay-sabay itanim para sa mas Handa, Ligtas, at Panatag na Kinabukasan!


Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087

Комментарии


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page