Sa isang makabuluhang aktibidad, dumalo ang Punong Bayan na si Reynante S. Bautista sa isinagawang BPATS skill enhancement seminar/training na nilahukan ng mga barangay tanod sa ating bayan. Ang nasabing programa ay naging daan upang palakasin ang kakayahan at kaalaman ng mga barangay tanod sa kanilang mga responsibilidad bilang mga unang tumutugon sa mga pangyayari ng krimen.
Sa pangunguna ni PMAJ Mark Anthony San Pedro, pinangunahan ang nasabing seminar na naglalayong magbigay ng mga bagong impormasyon, kasanayan at pagpapatibay sa mga gawain at obligasyon ng mga barangay tanod. Binahagi niya ang mga makabuluhang konsepto at praktikal na pamamaraan sa pagiging mga first responder sa mga pangyayari ng krimen at pag-aalaga sa mga apektadong lugar.
Kasama rin sa nasabing programa ang ating MSWDO Menchie Bollas. Hindi rin nagpahuli ang ilang mga punong barangay sa kanilang pakikisama at pagpapahalaga sa ganitong uri ng mga aktibidad na naglalayong paigtingin ang seguridad at kaayusan sa ating bayan.
Comments