Ginalingan po ng mga Angatenyo! Opisyal po tayong kalahok sa Parada ng Karosa bilang pagdiriwang ng Singakaban Festival 2024.
Makulay. Magara. Makabuluhan. Ang Karosa ng Angat ay nagbibigay-pugay sa sipag at dedikasyon ng mga magsasakang nagtatanim ng gulay at naglilinang ng bukirin, na may pag-asa sa masaganang bukas.
Makikita rin dito ang Sierra Madre na hugis mukha ng babae, sumasagisag kay Inang Kalikasan, at ang Ilog Angat na nagbibigay-biyaya sa bayan at mga karatig pook.
Ang mga waterlily na dating sagabal sa mga mangingisda, ngayon ay pinakikinabangan bilang basket at payong, simbolo ng pag-aalaga ng pamahalaan sa mga Angatenyo. Ang makulay na karosa ay sumasalamin sa sining, kultura, at tradisyon ng Angat.
Nakakaproud maging Angatenyo!
Comments