Karapatang Pantao sa SONA 2026, Binigyang-Diin sa PICE Session ng Angat MPS
- Angat, Bulacan

- Jul 6
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kanilang Personnel and Police Information and Continuing Education (PICE) session noong Hulyo 6, 2026, humigit-kumulang ika-7:45 ng gabi.
Ang naturang oryentasyon ay ginanap sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS, at pinangunahan ni Police Captain Mirari S. Cruz, Duty Officer of the Day (OD), kasabay ng araw-araw na accounting of personnel.
Sa ginanap na talakayan, partikular na binigyang-diin at ibinahagi sa buong puwersa ng kepulisan ang official advisory ukol sa karapatang pantao kaugnay ng nalalapit na ulat sa bayan ng Pangulo:
"Human Rights Advisory, 5th State of the Nation Address (SONA) 2026 of His Excellency President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr."

Pinaalalahanan ang mga tauhan ng Angat MPS sa mahigpit na pagtalima sa mga pamantayan ng karapatang pantao sa pagpapatupad ng seguridad, kapayapaan, at kaayusan sa buong nasasakupan bago, habang, at matapos ang SONA.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang regular na pagsasagawa ng PICE ay mahalagang hakbang upang mapanatiling nakatutok, disiplinado, at mulat ang bawat kawani ng pulisya sa kanilang tungkulin na maglingkod nang tapat, may integridad, at may mataas na respeto sa karapatang pantao ng bawat mamamayan.









Comments