Kapayapaan sa Angat, Isinusulong sa Pamamagitan ng Joint Police at Tanod Patrolling

Pinaiiral ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang mas pinatinding pagtutulungan sa pagresponde sa pamamagitan ng paglulunsad ng Joint Police Barangay BPATs/Tanod Mobilization upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa buong bayan.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, sama-samang nagpapatrolya at nagbabantay ang kapulisan katuwang ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at mga barangay tanod sa iba't ibang kalsada at komunidad.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang seguridad sa bawat sulok ng Angat at maiwasan ang anumang anyo ng kriminalidad.
Muling nanawagan ang PNP Angat sa lahat ng mamamayan na magtulungan at magkaisa upang mapanatiling ligtas at tahimik ang Bayan ng Angat, Bulacan.










Comments