top of page
bg tab.png

Kapasidad sa Pagtugon sa Sunog, Pinalakas sa Isinagawang Fire Safety Drill sa Angat Super Health Center


Isang matagumpay na fire safety drill ang isinagawa ng koponan ng Angat Super Health Center sa Barangay Taboc, katuwang ang Angat Bureau of Fire Protection (BFP), upang masiguro ang kahandaan ng pasilidad sa panahon ng sakuna at emergency.


Dumaan sa pagsasanay ang mga kawani at health workers ng pasilidad upang matutunan ang tamang proseso ng paglikas (evacuation), mabilis na pagtugon sa banta ng sunog, at ang ligtas na paglipat sa mga pasyente. Layunin ng aktibidad na ito na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan, ng buong komunidad, at ng mismong gusali ng pamahalaan sakaling magkaroon ng hindi inaasahang sunog.


Pinaunlakan at taos-pusong pinasalamatan ng pamunuan ng Angat Super Health Center ang mga tauhan ng Angat BFP sa kanilang patuloy na pagsuporta at pagbabahagi ng kaalaman sa pagsasanay. Binigyang-diin ng pamunuan na sa anumang pampublikong serbisyo, palaging una at pinakamahalaga ang kaligtasan ng bawat Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page