top of page
bg tab.png

Kampeon sa Gymnastics, Pinarangalan sa Flag Raising Ceremony


Isang makabuluhang pagsisimula ng linggo ang naganap sa Pamahalaang Bayan ng Angat matapos bigyang-pugay ang lokal na talento at pagkakaisa sa idinaos na Lingguhang Flag Raising Ceremony ngayong ika-30 ng Marso, 2026.


Ang seremonya ay pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Health Office (MHO), sa pakikipagtulungan nina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista at Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin Agustin. Nakiisa rin sa nasabing pagtitipon si Kon. Blem Cruz, kasama ang mga kinatawan mula sa Angat PNP at Bureau of Fire Protection (BFP), at ang buong puwersa ng mga kawani ng munisipyo.



Sentro ng pagdiriwang ang pagbibigay ng espesyal na pagkilala kay Jaina Meari Sarmiento mula sa Colegio de Sta. Monica de Angat. Si Sarmiento ay itinanghal na Kampeon sa Gymnastics sa katatapos lamang na CLARAA MEET 2026. Ang kanyang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang Angateño na patuloy na magsikap at linangin ang kanilang mga talento sa larangan ng palakasan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page