top of page
bg tab.png

Kampanya Laban sa Sexual Harassment, Higit na Pinalakas ng PNP Angat


Bilang bahagi ng pagtataguyod sa karapatang pantao at paglikha ng isang ligtas na kapaligiran, pinaigting ng Angat Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, ang kampanya laban sa lahat ng uri ng Sexual Harassment sa loob at labas ng komunidad.


Ang hakbang na ito ay alinsunod sa implementasyon ng Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law), na naglalayong protektahan ang bawat indibidwal mula sa anumang uri ng pambabastos sa mga pampublikong lugar, trabaho, paaralan, at maging sa online platforms.


Hinihikayat ng Angat PNP ang publiko na maging katuwang sa pagbabantay. Sa oras na makasaksi o makaranas ng sexual harassment, huwag mag-atubiling tumawag sa Angat MPS Hotlines o direktang pumunta sa kanilang himpilan para sa mabilis na aksyon at proteksyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page