top of page
bg tab.png

Kampanya Laban sa mga Hindi Lisensyadong Baril o Loose Firearms, Pinaigting ng PNP Angat

Aug 6
1 min read

Pinaigting ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang kanilang information campaign ukol sa pagsugpo sa pagmamay-ari ng mga hindi lisensyadong baril alinsunod sa probisyon ng Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Binigyang-diin ng kapulisan ang probisyon ng Seksyon 3 (v) ng naturang batas na tumutukoy sa loose firearms—o ang mga baril na walang kaukulang lisensya, hindi nakarehistro, ipinagbabawal sa ilalim ng batas, o ginamit sa paggawa ng krimen. Paalala ng PNP Angat, ang ilegal na pag-iingat at paghawak ng ganitong uri ng sandata ay may katapat na mabigat na parusang kulong at pagmumulta.


Hinihikayat ng PNP Angat ang mga may-ari ng baril sa bayan na iparehistro o i-renew ang kanilang mga lisensya, at nanawagan din sa publiko na agad ipagbigay-alam sa kapulisan ang anumang impormasyon ukol sa mga ilegal na baril upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page