top of page
bg tab.png

Kalusugan sa Likod ng Rehas: Angat MPS, Nagkasa ng Physical Conditioning para sa mga PUPC


Alinsunod sa mga alituntunin ng Patrol Plan 2030, naglunsad ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station ng isang Physical Conditioning at Exercise para sa mga Persons Under Police Custody (PUPC) ngayong Biyernes, Hunyo 26, 2026, ganap na 7:00 ng umaga.


Ang naturang aktibidad ay idinaos sa mismong Angat Custodial Facility sa ilalim ng pamumuno ni Police Major (PMAJ) Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, at sa pangangasiwa ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Layunin ng gawaing ito na mapabuti at mapangalagaan ang pisikal at mental na pangangatawan, gayundin ang itaas ang moral ng mga PUPC habang sila ay pansamantalang nakapiit sa pasilidad. Sa kabila ng limitadong espasyo, naging masigla ang paglahok ng mga residente ng pasilidad sa mga inihandang ehersisyo.


Tiniyak naman ng pamunuan ng Angat MPS na sa buong dako ng aktibidad ay mahigpit na sinunod at ipinatupad ang mga alituntunin at health protocols upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng lahat laban sa mga nakakahawang sakit.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page