Kalsada sa Tubao 2-GK at Tumana Libis, Nilinis at Inayos sa Road Clearing ng Brgy. Sulucan
- Angat, Bulacan

- Feb 8
- 1 min read

Patuloy ang masiglang kampanya ng Sangguniang Barangay ng Sulucan para sa kaayusan ng kapaligiran matapos matagumpay na isagawa ang Weekly Clean-Up at Road Clearing Operation nitong Sabado, ika-7 ng Pebrero, 2026.
Nakatuon ang aktibidad ngayong linggo sa mga area ng Purok ng Tubao 2-GK at Tumana Libis. Ang nasabing operasyon ay bahagi ng adhikain ng pamunuan na masiguro ang kalinisan ng paligid at ang maayos na daloy ng trapiko at lalakaran sa mga nasabing lugar.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga nakiisa at naglaan ng kanilang oras para sa gawaing ito.









Comments