Kaisa ang MDRRMO Angat sa Makabuluhang Paggunita ng National Disability Rights Week
- Angat, Bulacan
- Jul 31
- 2 min read

Sa bayan ng Angat, patuloy ang pagpapakita ng malasakit at pagkilala sa karapatan ng bawat mamamayan, lalo na sa mga differently-abled persons. Sa nalalapit na pagdiriwang ng National Disability Rights Week, buong puso na nakiisa ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang bigyang-diin ang kahalagahan ng inclusivity at pagbuo ng mga komunidad na bukas para sa lahat.
Ang taunang paggunita ay may temang "Innovation for Inclusion: Building Inclusive Communities Together", na nagpapakita ng layunin na gamitin ang makabagong paraan at makabagong ideya upang masigurong walang maiiwan sa pag-unlad ng lipunan. Ang programang ito ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) ng Bayan ng Angat at ginanap sa Angat Municipal Gymnasium, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng bayan, kabilang ang mga differently-abled persons mismo.
Bilang bahagi ng paggunita, isinagawa ang isang Information Education Campaign (IEC) na naglalayong palakasin ang kahandaan ng buong komunidad sa harap ng mga panganib dulot ng kalamidad. Ang kampanyang ito ay pinangunahan nina Ma. Lourdes A. Alborida, LDRRM Officer III, at Maria Lilibeth F. Trinidad, LDRRM Officer II. Sa pamamagitan ng mga IEC materials, naipabatid sa mga dumalo ang mga hakbang kung paano maging ligtas at handa sa oras ng sakuna, na isang napakahalagang kaalaman lalo na para sa mga vulnerable sectors ng ating komunidad.
Kasabay ng kampanya, nagbigay ang MDRRMO Angat ng mga IEC booklet na naglalaman ng mahahalagang impormasyon hinggil sa disaster preparedness, kabilang ang mga paraan ng paglikas, first aid, at mga protocol upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, lalo na ng mga persons with disabilities.
Hindi rin pinalampas sa programa ang pagkakataon na ipakita ang mga natatanging produkto at likha ng ating mga differently-abled persons. Sa ganitong paraan, naipapakita ang kanilang talento, kakayahan, at ang mahalagang papel nila sa pag-unlad ng bayan. Ang pagpapamalas ng mga produktong ito ay naglalayong palakasin ang tiwala ng mga differently-abled persons at hikayatin silang ipagpatuloy ang kanilang mga ambag sa komunidad.
Ang nasabing programa ay buong puso ring sinuportahan ng Ama ng Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairperson, Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, na patuloy na nagsusulong ng mga programa para sa pagkakapantay-pantay, inklusibidad, at kaligtasan ng lahat ng mamamayan.
Sa bayan ng Angat, ang ating mga Person with TheseABILITIES ay tunay na ANGAT—kinikilala, pinapahalagahan, at binibigyan ng pantay na oportunidad upang umunlad at maging bahagi ng mas progresibong komunidad.
Ang paggunita ng National Disability Rights Week ay paalala sa ating lahat na ang pagkakaiba-iba ay isang lakas, at ang pagtutulungan ay susi sa pagbuo ng mas matibay at mas inklusibong bayan.
Para sa agarang tulong sa panahon ng kalamidad o emergency, maaari kayong tumawag sa mga sumusunod na numero ng Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087
Manatiling handa, ligtas, at magkakaisa sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Comments