Kahandaan sa Sakuna: Angat MPS, Nakiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
- Angat, Bulacan

- Jun 18
- 1 min read

Upang mas mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng kapulisan at ng komunidad sa panahon ng kalamidad, aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station sa isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong June 18, 2026.
Ang aktibidad na idinaos sa mismong himpilan ng pulisya sa Brgy. San Roque ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Police Major (PMAJ) Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, at katuwang ang Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Sa pagtunog ng sirena na hudyat ng pag-umpisa ng simulation, mabilis at maayos na isinagawa ng mga opisyal at kawani ng istasyon ang tamang hakbang na "Duck, Cover, and Hold." Matapos ang kunwaring pagyanig, agad ding ipinatupad ang ligtas at mabilis na paglikas patungo na itinalagang evacuation area sa labas ng gusali.
Layunin ng malawakang drills na ito na sanayin ang mga personnel sa mabilis na pagtugon (response), masuri ang tibay ng mga contingency plans ng istasyon, at matiyak na ang bawat isa ay may sapat na kasanayan upang maiwasan ang malubhang pinsala o sakuna kung sakaling magkaroon ng totoong malakas na lindol.
Sa pamamagitan ng pakikiisang ito, ipinapakita ng Angat MPS na ang kahandaan at kaligtasan ng publiko at ng mga tagatupad ng batas ay nananatiling isa sa mga pangunahing priyoridad ng kanilang hanay.









Comments