top of page
bg tab.png

Kahalagahan ng Tax Declaration, Ipinaliwanag ng Angat Assessor’s Office


Upang mas mapalawak ang kaalaman ng publiko ukol sa mga legal na dokumento ng lupa at ari-arian, nagpalabas ng isang mahalagang gabay ang Municipal Assessor’s Office ng Angat upang ipaliwanag kung ano ang Tax Declaration at kung bakit ito mahalaga sa mga pang-araw-araw na transaksyon.


Ayon sa tanggapan, ang Tax Declaration ay isang opisyal na dokumento na nagpapatunay ng deklarasyon ng isang ari-arian (gaya ng lupa, bahay, o gusali) para sa pangunahing layunin ng pagbubuwis o real property taxation.


Binigyang-diin ng Assessor's Office na napaka-importante na mayroong updated at maayos na Tax Declaration ang isang mamamayan, lalo na kung naglalakad o nag-aapply para sa mga sumusunod:

  • Loan Requirements: Para sa mga nagnanais mag-apply ng pautang o loan sa mga bangko at iba pang institusyong pinansyal kung saan ginagamit na kolateral ang ari-arian.

  • Business Permit: Isang pangunahing kinakailangan para sa mga negosyante upang mapatunayan ang legalidad at tamang klasipikasyon ng puwesto ng kanilang negosyo.

  • Building Permit: Kailangan bago magsimula ang pagtatayo ng anumang istruktura o gusali sa loob ng inyong sakop na lupa.

  • Transfer of Ownership: Mahalagang dokumento sa paglilipat ng pangalan ng ari-arian, maging ito ay sa pamamagitan ng bentahan, donasyon, o pamana (inheritance).


Inaanyayahan ng Municipal Assessor's Office ang lahat ng mga Angatenyo na regular na suriin ang kanilang mga dokumento upang matiyak na updated ang mga ito. Ang pagkakaroon ng kumpleto at tamang mga papeles ay ang susi para sa mas mabilis, maayos, at walang-abalang proseso sa anumang transaksyon sa pamahalaan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page