KAALAMAN SA BREASTFEEDING AT NUTRISYON, IBINAHAGI SA MGA INA NG BARANGAY PULONG YANTOK
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Isinagawa ang Breastfeeding Awareness Month Information, Education and Communication (IEC) at MJSB IEC on Nutrition sa Barangay Pulong Yantok upang palakasin ang kaalaman ng mga pamilya tungkol sa wastong nutrisyon at kahalagahan ng pagpapasuso.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan sa kalusugan ng mga ina at ng kanilang mga anak, kasabay ng pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month.

Binigyang-diin sa ginanap na talakayan ang mga sumusunod na mahahalagang paksa:
Wastong Pagpapasuso: Pagbabahagi ng mga tamang pamamaraan at benepisyo ng breastfeeding para sa kalusugan at proteksyon ng sanggol.
Nutrisyon at Healthy Eating Habits: Pagtuturo ng tamang Nutrisyon at gawi sa pagkain para sa buong pamilya.
Pangangalaga sa Ina at Bata: Pagbibigay ng gabay sa kalusugan ng mga ina habang nagpapasuso at sa pagpapalaki ng malusog na anak.
Layunin ng programang ito na itaguyod ang tamang kaalaman at kamalayan sa bawat tahanan upang makabuo ang mga pamilya ng tamang desisyon para sa mas malusog, mas masigla, at mas ligtas na komunidad sa bayan ng Angat.









Comments