top of page
bg tab.png

Jollibee Foods, Ipinamahagi sa Tulong ng RW Gabriel Travel and Services at Brgy. Officials


Isang mapagpala at masayang araw ang sumalubong sa ilang piling kabataan matapos silang handugan ng paborito nilang pagkain mula sa Jollibee, sa pamamagitan ng isang kwentong-bayanihan at pagbibigay-pakinabang sa komunidad.


Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa kabutihang-loob ni Mrs. Rutchel Mondejar Gabriel ng RW Gabriel Travel and Services, na nagbahagi ng mga Jollibee food packs upang maghatid ng ngiti at saya sa mga bata. Layunin ng pamamahaging ito na magsilbing inspirasyon sa lahat na magbahagi ng biyaya sa kapwa.


Naging matagumpay ang pamamahagi dahil sa masiglang pakikipagtulungan at buong-pusong suporta ng mga lokal na pinuno at lingkod-bayan sa pangunguna nina Kapitan Eric Cruz, Konsi Ruffy Fernando at LLN Leonila Najera.



Katuwang din sa maayos na distribusyon ang mga dedikadong Mother Leaders na sina Leila Roque, Alona Estillore, Gina Obias, at Lorna Maniaol, na siyang umalalay upang makarating sa mga tamang kamay ang mga handog.


Muling nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang buong pamayanan sa lahat ng mga naging bahagi, sponsor, at katuwang sa aktibidad na ito na nag-iwan ng ligaya sa puso ng mga kabataan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page