top of page
bg tab.png

Job Hiring: Management Trainees at Section Supervisors, Kailangan sa Puregold Angat

Oct 7
1 min read

Nangangailangan ang sangay ng Puregold Angat ng dalawang (2) Management Trainees at dalawang (2) Section Supervisors sa pakikipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Bayan ng Angat.


Para sa posisyong Management Trainee, bukas ang aplikasyon sa mga nakapagtapos ng anumang apat na taong kurso sa komersyo o negosyo (business-related course). Kabilang sa mga tungkulin ng mga matatanggap ang pagtulong sa pangangasiwa ng pang-araw-araw na operasyon ng pamilihan, pagsubaybay sa inventory, at pagpapanatili ng maayos na serbisyo sa mga mamimili.



Samantala, para naman sa posisyong Section Supervisor, kinakailangan ang mga aplikanteng may angking kakayahan sa pamumuno, organisasyon, at batayang antas ng matematika. Tungkulin ng tagapangasiwa ang pagbuo ng iskedyul ng mga kawani, pagbibigay ng pagsasanay sa customer service, at pag-aasikaso sa mga ulat ng departamento.


Para sa mga nagnanais mag-apply, kinakailangang magpatala sa opisyal na online registration form sa link na [https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8](https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8) at ipadala ang na-update na Resume o CV sa email na pesohiringangat@gmail.com gamit ang pormat na Application: Puregold Angat - [Position Name] - [Your Full Name].

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page