top of page
bg tab.png

Job Fair 2025, Tampok sa GulayAngat Festival; Maraming Angateño, Agad na Natanggap sa Trabaho

ree

ANGAT, BULACAN — Bahagi ng matagumpay na GulayAngat Festival 2025 ang isinagawang Job Fair noong Oktubre 18, 2025, sa Municipal Gymnasium, na naghatid ng malawak na oportunidad sa mga jobseekers mula sa Angat at mga karatig bayan.

Dinaluhan ang job fair ng 12 local employers/agencies at 3 overseas recruitment agencies, na bukas sa iba't ibang job openings para sa mga naghahanap ng lokal at internasyonal na trabaho.


Kabilang sa mga panauhing pandangal ang Provincial PESO Manager Engr. Egbert Robles at Mr. John Joseph Gaza, Labor and Employment Officer III mula sa Department of Migrant Workers (DMW).


Kasabay rin ng aktibidad ang One-Stop Shop Services na inilunsad sa tulong ng BIR, PhilHealth, PAG-IBIG, at PSA PhilSys, upang mas mapadali ang pagproseso ng mga dokumento ng mga aplikante.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang LGU Angat, sa pamamagitan ng PESO at LYDC, sa lahat ng ahensya, employers, at aplikanteng nakiisa sa selebrasyon.


"Lubos kaming nagagalak para sa mga aplikanteng agad na natanggap sa trabaho. Karangalan naming maging bahagi ng inyong bagong simula tungo sa mas maayos at matagumpay na kinabukasan," ayon sa pahayag ng PESO-Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page