top of page
bg tab.png

JBM Patrol System, Itinuro ng PNP Angat sa mga Barangay Tanod ng Encanto at Sta. Cruz


Isinagawa ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang isang cascading and orientation session ukol sa JBM Patrol System para sa mga Barangay Tanod ng Barangay Engkanto, Angat, Bulacan ngayong Setyembre 4, 2026, bandang 6:00 ng gabi.


Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCPT Lydio Venidas, Duty Officer of the Day, sa ilalim ng direktang pamamahala ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police. Isinagawa ang oryentasyon bilang kabahagi ng magkasanib na operasyon at ugnayan ng kapulisan at ng mga security force o tanod ng Barangay Sta. Cruz at Barangay Engkanto.


Layunin ng orientasyong ito na isama ang mga lokal na force multipliers sa mga modernong patrol operations na ginagamitan ng teknolohiya, bumuo ng mga nagkakaisang ruta para sa foot at mobile patrol, at i-synchronize ang mga oryentasyon at pormat ng pag-uulat sa panahon ng emerhensya sa buong barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page