top of page
bg tab.png

Ireport Agad ang Krimen: PNP Angat Isinusulong ang Paggamit ng Expanded 911

Aug 2
1 min read

Muling nanawagan ang Angat Municipal Police Station (PNP Angat) sa buong komunidad na agad na ipagbigay-alam sa kapulisan ang anumang uri ng krimen o hindi karaniwang kaganapan sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng Expanded 911 System.


Layunin ng nasabing sistema na mas mabilis at mas epektibong matugunan ng pulisya ang mga saklolo at emergency sa bawat barangay. Sa pamamagitan ng pagtawag sa pambansang emergency hotline na 911, agad na maipapadala ang kaukulang tulong mula sa PNP Angat at iba pang kaagapay na ahensya ng pamahalaan.


Binigyang-diin ng kapulisan na mahalaga ang mabilis na kooperasyon at pag-uulat ng mga mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page