Sa pangunguna ni Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) Jessica Villarama, matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na pagsasanay para sa mga Mother Leader, Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), at mga Barangay Health Workers (BHW) tungkol sa tamang paraan at kahalagahan ng breastfeeding para sa mga sanggol. Ang nasabing pagsasanay ay pinangunahan ni Local Disaster Risk Reduction and Management Officer (LDRRMO) Ma. Lourdes Alborida.
Layunin ng pagsasanay na bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga kalahok upang maitaguyod ang tamang nutrisyon at kalusugan ng mga bata sa ating komunidad. Tinalakay sa pagsasanay ang mga benepisyo ng breastfeeding, tamang teknik, at mga estratehiya upang mapanatili ang kalusugan ng mga sanggol at ina.
Dinaluhan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista at Cong. Ray Reyes ang pagsasanay, na nagpakita ng kanilang patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan. Ang matagumpay na pagsasanay na ito ay inaasahang magbubunga ng mas malusog na henerasyon ng mga bata at para sa tamang nutrisyon at kalusugan.
Comentários