Ang konsepto ng Indakan sa Kalye ay sumasalamin sa tradisyon at kultura kung saan makikilala/nakikilala ang Bayan ng Angat.
Ito ay naka-angkla sa panimulang pagdiriwang ng GulayAngat Festival na siyang itatampok ng pagdiriwang ng 339 Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Angat.
Gulay sapagkat kilala ang Angat bilang lugar na maraming tumana o taniman ng iba't ibang uri ng gulay.
PATAKARAN AT REGULASYON
1. Ang kompetisyon ay bukas sa labing-anim (16) na barangay ng Bayan ng Angat. Mga lehitimong Angatenyo lamang ang maaaring sumali bilang mananayaw;
2. Ang mga mananayaw at katuwang sa produksyon ay nararapat na nasa bilang na hindi bababa sa dalawampu (20) at hindi lalagpas sa tatlumpung (30) katao, anuman ang kasarian, edad anim (6) na taon-pataas. Ang mga kasaling menor-de-edad ay dapat may pormal na Pahintulot mula sa Magulang/Tagapangalaga;
3. Bawat barangay ay dapat magpasa ng listahan ng mga mananayaw, kasama ang kopya ng valid ID at Pahintulot ng Magulang (kung menor-de-edad). Maaaring makuha ang Registration Form sa inyong Pamahalaang Barangay;
4. Kailangang ang costume at mga kagamitan sa Indakan ay nakaayon sa tema ng pagdiriwang. Kailangang gawa mula sa 80% recyclable at indigenous materials ang kasuotan at iba pang kagamitan na gagamitin ng kalahok. Ang paggamit ng apoy at mga matatalas na patalim bilang props ay mahigpit na ipinagbabawal;
5. Dalawa ang kategorya ng kumpetisyon: Indakan sa Kalye At Indakan Showdown. Ang Indakan sa Kalye ay magsisimula ng alas sais ng umaga (6:00 AM) mula sa Tugatog, Marungko hanggang Angat Municipal Gym. Ang bawat kalahok ay pinapayagang magdala ng sariling sound system na kung saan ang gagamiting tugtog ay mula sa komite ng patimpalak. Mula pa lamang dito ay huhusgahan na kung sino ang pinakamahusay na grupo ng mananayaw sa Parada. Ito ang unang kategorya ng Patimpalak na bubuo ng 60% ng Pinal na Marka. Ang ikalawang kategorya naman ay gaganapin sa Municipal Gym kung saan magpapakitang-gilas ang bawat grupo sa kanilang pag-indak gamit ang kanilang piniling musika. Magsisimula ito ng alas nuwebe ng umaga (9:00 AM). Tatlo hanggang limang (3-5) minuto ang ibibigay na oras sa bawat grupong kalahok, kasama na ang preparasyon. Ang sumobra sa oras ay may karampatang bawas sa marka. Ang kabuuang marka na makakamit mula dito at bubuo ng 40% ng Pinal na Marka 6. Ang tatanghaling kampeon ay ang makakakuha ng pinakamataas na marka mula sa pinagsamang marka para sa Indakan sa Kalye at Indakan Showdown.
Mga Gantimpala: P50,000 + TROPHY KAMPEON
P30,000 + TROPHY UNANG KARANGALAN
P20,000 + TROPHY IKALAWANG KARANGALAN
P15,000 + TROPHY PINAKAMAHUSAY NA COSTUME
P10,000 + CERTIFICATE CONSOLATION
Para sa iba pang detalye at pagpapatala, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga Secretary ng ating Sangguniang Barangay.
コメント