Barangay Paltok, muling nakuha ang kampeonato sa Indakan ng Gulayangat Festival 2023
Itinanghal muli na Grand Champion ang Barangay Paltok sa ginanap na Indakan sa Kalye bilang isang patimpalak ng ikalawang pagdiriwang ng Gulayangat Festival. Ipinamalas nila ang kanilang husay sa pagsasayaw at pagpapahayag ng lokal na kulturang Angatenyo na nagbigay daan sa kanilang pagkakamit ng premyong nagkakahalaga ng 100,000 pesos.
Hindi rin nagpahuli ang Barangay Niugan na tinanghal na 1st Runner Up at sila ay nagwagi ng premyong nagkakahalaga ng 70,000 pesos. Samantala, ang Barangay Taboc ay kinilala bilang 2nd Runner Up sa patimpalak at tatanggap ng premyong nagkakahalaga ng 50,000 pesos. Pinuri ang kanilang pagsasayaw na nagpapakita ng kahalagahan ng tradisyon ng barangay.
Ang Indakan sa Kalye na bahagi ng Gulayangat Festival ay isang pagsasalin ng pagmamahal sa ating bayan. Ito'y isang pagdiriwang na nagbibigay-kahulugan sa ating pagiging Angatenyo at nagpapakita kung paano ang ating bayan ay patuloy na nagpapalaganap at nagpapahalaga sa ating kultura at tradisyon.
Comments