Ikatlong Gabi ng Angat Food Park 2026, Tampok ang Zumba Nights kasama ang Luwasan Crew

Mapupuno ng sigla at saya ang ikatlong gabi ng Angat Food Park 2026 sa muling pagsasagawa ng pampublikong Zumba Nights ngayong Oktubre 14, 2026.
Ipamamalas ng mga mamamayang Angatenyo ang kanilang galing sa pagsayaw sa pangunguna ng Luwasan Crew, na maghahatid ng dalawang oras na masayang fitness activity mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Ang pagsasama ng Zumba Nights sa Food Park ay naglalayong isulong ang malusog na pamumuhay habang nagbibigay ng pagkakataon sa mga pamilya at magkakaibigan na magkatipon-tipon at tumangkilik sa mga lokal na kainan at merchants sa bayan.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang buong komunidad na patuloy na bisitahin ang Angat Food Park upang makisaya sa mga inihandang gabi ng libangan at tikman ang iba't ibang masasarap na lokal na pagkain.










Comments