Ika-6 na Sesyon ng Sangguniang Barangay ng Niugan, Matagumpay na Naisagawa
- Angat, Bulacan

- Mar 16
- 1 min read

Sa layuning mas mapaganda pa ang serbisyo-publiko sa komunidad, matagumpay na idinaos ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang 6th Regular Session para sa taong 2026 ngayong ika-16 ng Marso.
Ang pagtitipon ay pinangunahan ng Punong Barangay kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay upang busisiin ang mga kasalukuyang programa at talakayin ang mga bagong resolusyon na makabubuti sa bawat taga-Niugan. Kabilang sa mga naging sentro ng talakayan ang pagpapatibay ng mga hakbang para sa seguridad ng komunidad, mga proyektong pang-imprastraktura, at ang pagpapaigting ng mga serbisyong pangkalusugan para sa mga residente.









Comments