Bilang pagdiriwang sa ika-125 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos ay idineklara ang Setyembre 15 bilang Special Working Holiday sa Lalawigan ng Bulacan.
Mahalagang bahagi ng ating kasaysayan ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos dahil ito ang nagbigay-daan sa Unang Republika ng Pilipinas.
Noong nakaraang mga taon ay itinakda ito bilang Special Non-Working Holiday, subalit dahil sa patuloy pa lamang tayong bumabangon mula sa pandemya ay nilimitahan ang bawat pamahalaang lokal sa pagkakaroon ng dalawang (2) special non-working holidays para sa taong 2023.
Comments