HULYO: BUWAN NG NUTRISYON AT PAGHAHANDA SA KALAMIDAD
- Angat, Bulacan

- Jul 18
- 1 min read

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa paggunita ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at Nutrition Month ngayong Hulyo.
Naniniwala si Mayor Reynante “Jowar” Bautista na napakahalaga ang mga aktibidad na kaakibat nito na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalusugan at kahandaan sa pagtugon sa kalamidad at sakuna. Dalawang selebasyon na kapwa nakatuon sa pangangalaga sa buhay ng mga mamamayan.
Patuloy na pinatataas ng Pamahalaang Bayan ang kamalayan at kahandaan ng bawat indibidwal sa pangangalaga sa nutrisyon at kahandaan sa kalamidad sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Response & Management Office (MDRRMO) at Municipal Nutrition Action Office (MNAO) at pakikipagtulungan sa mga barangay volunteers at iba pang institusyon, habang binibigyang-diin na ang pagiging malusog at handa ay hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya at sa buong bayan.
Paalala ni Mayor Jowar, ang pag-iingat sa kalusugan at pagtitiyak ng kahandaan sa kalamidad ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan, kundi ng lahat ng mamamayan. Gaano man kaganda ang layunin at pagsisikap ng pamahalaan na makapagpatupad ng mga programang para rito, wala itong saysay kung walang suporta at partisipasyon ng bawat mamamayan.
Dagdag pa niya, pahalagahan natin ang buhay ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng wastong nutrisyon at pagiging handa sa anumang sakuna sa lahat ng pagkakataon. Sama-sama tayong kumilos at iANGAT ang isang malusog, ligtas at matatag na Angat.









Comments