Himig ng GulayAngat, Ikalawang Gantimpala: "Gulayang Angat"
- Angat, Bulacan

- Nov 5, 2022
- 1 min read
Updated: Nov 7, 2022
Gulayang Angat
Kompositor: Ericson A. Trinidad
Inawit ni: Cassandra Ashley B. Cassimiro
I
Puso ng Gitnang Kapatagan
Isang bayan ang isinilang
Lupang lubos na pinagpala
Ang Gulayang Angat
2
Luntiang lupaing pamana
Sa tabi ng Sierra Madre
Hitik sa likas na yaman
Ang Gulayang Angat
Pre Chorus
Tanimang gulay ng pag-ibig
Bukal ng kasaganahan
Ang daluyan ng kabuhayan
Ay Gulayang Angat
Chorus
Bayan ng Angat ay lingapin
Ating itanyag at tangkilikin
Ang paglinang sa ating lupain
Ito’y pagyamanin natin
Ulitin lahat








Comments