Mapalad ang mga magsasaka ng Bayan ng Angat dahil ito ang napili ng Biorganism Corporation (BC) na bigyan ng libreng training at mga produktong magagamit ng mga magsasaka kaugnay ng pagsusulong ng organic farming sa bansa.
Sa ginanap na Harvest Festival na inorganisa ng Municipal Agriculture Office ng Angat sa Baranggay Sta. Cruz, isinagawa ang Agri-System Workshop kung saan tinuruan at sinanay ang mga nagsidalo ukol sa organikong pamamaraan ng pagsasaka gamit ang Biorganism Enhancer na siyang magpapataas sa organikong sangkap ng lupa na siyang lalong magpapalusog at magpapasagana ng mga pananim.
Pinangunahan ng kilalang local farmer technician na si. G. Victor V. Mauro Sr. ang pagtuturo ng makabagong sistema ng pagtatanim na nagtapos sa paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng BC at ng mga magsasakang Angatenyo.
Comments