Happy Birthday, Konsi Jomar!
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Nagpaabot ng mainit na pagbati ang Sangguniang Barangay ng Sulucan sa pangunguna ni Kapitan Richard Castro Cruz, kasama si SK Chairman Alex Cruz Hernandez at ang mga barangay volunteers, para sa kaarawan ni Barangay Kagawad Jomar Velasco.
Pinasalamatan ng pamunuan ng barangay si Kagawad Velasco para sa kaniyang walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at tapat na serbisyo sa kaniyang nasasakupan. Binigyang-diin ng barangay ang mahalagang papel ng kaniyang sipag at pakikipagkaisa sa pagsusulong ng mga proyekto para sa ikabubuti ng buong komunidad.
Kasabay ng pagbati, ipinagdasal din ng kaniyang mga kasamahan sa Sanggunian na patuloy siyang pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kalakasan, at siksik, liglig, at umaapaw na biyaya para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.









Comments