top of page
bg tab.png

Hapag ng Pamana (GulayAngat Cooking Contest)

Updated: Oct 30, 2022


Kasabay ng pormal na pagbubukas ng pagdiriwang ng GulayAngat Festival ay ang paglulunsad ng Hapag ng Pamana (GulayAngat Cooking Contest) kung saan labing-anim na kalahok mula sa lahat ng barangay sa Angat ang nagluto ng kanilang sariling recipe na ang pangunahing sangkap ay ang mga gulay na inaani sa ating bayan.


Sa pagkakataong ito, nakamit ng Barangay Marungko ang unang Gantimpala na nagluto ng Eggplant Roll with Beef & Squash kung saan si Gng. Jhenny De Guzman Bagay ang pangunahing tagapagluto.


Pumangalawa naman sina G. Ronaldan Ignacio at Vinna Rodriguez sa kanilang lutong pinangalanang Pakbet ni Jowar at pumangatlo sina Gng. Fe Duazo at Remedios Fijedoro sa kanilang Pork Express with Vegetable Sauce.


Magkakamit ng P10,000 ang nagkamit ng unang gantimpala samantalang P7,000 at P5,000 naman ang Ikatlo. Anga mga hindi pinalad na magwagi ay tumanggap ng tig-P2,000.


Layunin ng Hapag ng Pamana na itampok ang kakayahan ng mga Angatenyo na makapaghanda ng masasarap na putaheng gulay ang pangunahing sangkap upang sa hinaharap, isa ito sa magsisilbing atraksyon para sa mga turista at magtatampok sa bayan ng Angat na lunduyan ng mga mahuhusay sa kusina.


Recent Posts

See All
Feedback Para sa GulayAngat Festival

Nagpaabot ng pasasalamat ang Municipal Tourism Office sa lahat ng nakikiisa at sumuporta sa matagumpay na isinagawang GulayAngat Festival. Bilang paghahanda at upang mas mapaganda at mas mapaayos ang

 
 
 

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page