Gulay ang isa sa mga pangunahing produkto at lubhang ipinagmamalaki ng bayan ng Angat dahil sa malawak na taniman at masaganang ani nito. Maraming mamamayan ang nabubuhay dahil sa pagtatanim at pag-aani at pagbebenta ng gulay.
Ang konsepto ng patimpalak na ito ay sumasalamin sa ating kultura at tradisyon. Ang pangunahing layunin nito ay maipakilala ang produktong ipinagmamalaki sa bayan ng Angat. Ang gulay ang magiging pangunahing sangkap at magiging tuon sa patimpalak na ito..
PATAKARAN AT REGULASYON
1. Ang kompetisyon ay bukas sa mga Angatenyo na may angking kakayahan at husay sa pagluluto. Bawat isang pangkat-kalahok ay bubuuin ng dalawang tao—ang Pangunahing Tagapagluto at ang Katuwang sa Pagluluto.
2. Bawat kalahok ay kailangang magdala ng kanilang gagamiting kasangkapan sa pagluluto tulad ng kalan, gas, kawali, kaldero, sandok, kutsilyo, plato at iba pang kagamitang sa tingin nila ay kakailanganin nila upang makapagluto nang maayos.
3. Ang komite ang magbibigay ng mga gulay at pansahog na lulutuin sa patimpalak. Nakatipon sa isang mesa ang mga sangkap na gagamitin. Bago magsimula ang patimpalak ay ia-anunsyo ng Komite ang mga pangunahing sangkap na gagamitin sa pagluluto. Bibigyan ng sampung (10) minuto ang bawat kalahok upang kuhanin ang mga pangunahing sangkap at ang mga pansahog na nais nilang gamitin.
4. Ang bawat inihandang putahe ay nararapat na maayos ang pagkakalagay sa plato para sa layunin ng patimpalak. Ang inilaang oras para sa paghahanda ng putaheng iluluto ay isa at kalahating oras.
5. Tiyaking sapat ang kukuhaning sangkap. Ikakaltas sa puntos ng kalahok ang hindi nila magagamit na sangkap.
Pamantayan
30% - Lasa at Sustansya
30% - Pagka-ORIHINAL at pagka-MALIKHAIN
40% - Kaangkupan sa tema (Pagsasalamin ng Katutubong Kultura at Tradisyong Angatenyo)
100% - Kabuuan
Mga Gantimpala P10,000 + TROPHY KAMPEON
P7,000 + TROPHY UNANG KARANGALAN
P5,000 + TROPHY IKALAWANG KARANGALAN
P 2,000 + CERTIFICATE CONSOLATION
Para sa iba pang detalye at pagpapatala, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga Secretary ng ating Sangguniang Barangay.
Comentarios