top of page
bg tab.png

BINAGBAG NATIONAL HIGH SCHOOL, KABILANG SA TOP 10 FINALISTS NG DOKYUBATA 2025


ree

ANGAT, BULACAN — Muling pinatunayan ng mga kabataang Angateño ang kanilang talento at husay matapos mapasama ang Binagbag National High School (BNHS) sa Top 10 Finalists ng DokyuBata 2025, isang pambansang patimpalak sa paggawa ng children’s documentary films.


Ang entry ng BNHS na pinamagatang “De Gulong na Edukasyon” ay kabilang sa mga napiling pinakamahusay na dokumentaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Layunin ng naturang kompetisyon na bigyang boses ang mga kabataan sa pamamagitan ng malikhaing storytelling at filmmaking na nagsusulong ng kamalayan sa mga isyung panlipunan.


Ang DokyuBata ay programa ng National Council for Children’s Television (NCCT) katuwang ang GMA 7, GMA Public Affairs, Film Development Council of the Philippines (FDCP), Feminist Media Lab, at Department of Education (DepEd). Sa pamamagitan ng proyektong ito, hinihikayat ang mga kabataang Pilipino na gamitin ang pelikula bilang instrumento ng pagbabago at inspirasyon.


Pinangunahan ng proyekto si Director Mark Roy P. Celoza, sa paggabay ni Coach Niel Patrick G. Santos, at sa ilalim ng pamumuno ni Punongguro Richard C. Bagtas.


Ayon kay Bagtas, ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pag-angat ng kabataang Angateño sa larangan ng sining at edukasyon.


Ang nasabing pagkilala ay hindi lamang tagumpay ng paaralan kundi karangalan ng buong Bayan ng Angat, na patuloy na nagbubunga ng mga kabataang may malasakit, talento, at inspirasyong mag-angat sa pangalan ng kanilang bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page