top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

HANDA TAYO, BARANGAY LAOG!



Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa ng Project Validation sa Barangay Laog.

Kasama sa pag iikot sa barangay si Kapitan Paterno Manayao upang tiyak na matukoy ang mga umiiral na suliranin sa komunidad sa panahon ng tag ulan.

Ilan sa mga binisita ay ang purok salob kung saan kinakailangan lagyan ng drainage ang isang bahagi upang magkaroon ng tamang pag daloy ang tubig ulan.

Ayon kay Kapitan Paterno ay malakas ang agos ng tubig sa panahon na malakas at walang tigin na pag ulan na nanggagaling sa itaas na bahagi ng purok.

Ito ay pinagtuunan ng pansin upang agad maaksyunan na pinangunahan ni Mr. Carlos R. Rivera Jr. MGDH1 - MDRRMO katuwang si Mr. Romeo Tigas mula sa Municipal Planning & Development Office - MPDO-Angat. Ito ay bineripika at tinignan ang mga posibilidad na lalim at lawak na gagawing proyekto.

Ito ay ilan lamang sa ilang proyektong nais isagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ni Punong Bayan at MDRRMC Chair Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista para sa Ligtas at Panatag na mamamayanan.

Kaya Barangay Laog, Handa Tayo!

Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page