HANDA NA LOKAL NA PAMAHALAAN, PANATAG NA PAMAYANAN!
- Angat, Bulacan

- Jul 22
- 2 min read
Updated: Jul 23

HA
Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pamumuno ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I, ay nagsasagawa ng mga pag-iinspeksyon sa mga barangay na binabagtas ng Ilog Angat upang personal na subaybayan ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga residente na apektado ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sa ngayon, hindi madaanan ang Banaban Bridge, na nagsisilbing pangunahing daan papuntang Banaban 2, ngunit wala pa ring naiulat na mga flooded areas sa kasalukuyan. Patuloy na minomonitor ang sitwasyon ng mga awtoridad upang masiguro na hindi magbabago ang kalagayan ng panahon.
Si Ma'am Menchie Bollas, ang MSWD Head ng Angat, ay dumaan sa mga evacuation centers upang tiyakin na handa ang mga ito at matugunan ang pangangailangan ng mga evacuees.
Tinututukan din ng Pulisya ng Angat, sa pangunguna ni PCPT Jayson M. Viola, ang sitwasyon at nagsagawa ng koordinasyon sa MDRRMO Angat upang matiyak ang kaligtasan ng bayan.
Sa tulong ng mga hakbang na ito, nagsagawa ng prepositioning ng relief packs ang MDRRMO upang matiyak na may sapat na suplay kung sakaling lumala ang sitwasyon at kinakailangan ang mga ito.
Ang Bayan ng Angat, sa pamumuno ni Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, ang ama ng bayan at chairperson ng MDRRM Council, ay mabilis na kumikilos upang iwasan ang mga posibleng pagbaha at matulungan ang mga residente na maging ligtas.
Bago pa sumapit ang tag-ulan, ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang paglilinis ng mga creek at paggawa ng mga drainage canals upang makatulong sa pag-mitigate ng mga epekto ng pagbaha.
Kung kayo ay may mga emergency, maaari kayong makipag-ugnayan sa Angat Rescue Hotline:📞 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Ang bayan ng Angat ay patuloy na nagsusumikap upang maging handa sa mga kalamidad at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. Maging alerto at laging sumunod sa mga anunsyo upang protektahan ang inyong pamilya at komunidad.









Comments