top of page
bg tab.png

HANDA NA! INDAKAN SA KALYE, SIGURADO ANG KALIGTASAN!


ree

Angat, Bulacan — Pormal nang isinagawa ang Operational Briefing para sa aktibidad na "Handa Na! Indakan sa Kalye", sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I ng Angat MDRRMO.


Dumalo at nakiisa sa briefing ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang emergency response units kabilang ang:


  • Angat MDRRMO

  • Angat Rescue Team

  • Bustos Rescue

  • Norzagaray Rescue

  • Pandi Rescue

  • Angat Rural Health Unit (RHU)

  • BFP Region 3 – Angat Fire Station

  • Norzagaray Fire Station


Sa nasabing pagpupulong, idinetalye ni G. Rivera ang eksaktong mga posisyon at koordinasyon ng bawat response agency upang matiyak ang maagap na aksyon sa oras ng emergency habang isinasagawa ang masayang aktibidad sa kalsada.


Layon ng operasyong ito na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng kalahok at manonood sa gaganaping pagdiriwang na bahagi ng GulayAngat Festival.

Tara na’t makisaya — Indakan na sa Kalye, ligtas at handa ang lahat!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page