top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

GulayAngat Festival, Ipinakilala sa Bulakenyo sa Indakan sa Kalye 2023



"Binhi ng kasaysayan, payabungin!, Bunga ng pag-ahon at pag-angat, anihin!".

Sinuma ng temang ito ang paglulunsad ng pestibidad sa bayan ng Angat—ang GulayAngat Festival (Gunita ng lahi at Yamang Angat). Binibigyang parangal sa festival ang kasipagan at kadakilaan ng mga magsasakang Angatenyo. Ito rin ang nais ipakita ng opisyal na lahok sa Indakan ng Bayan ng Angat.


Ang pagtatanghal ng Angat ay naglalaman ng pagkakaisa at pagbabayanihan ng bawat Angateño. Sinasalamin nito ang bawat butil ng pawis na pinaghihirapan ng bawat magsasakang Angateño mula sa pagbibinhi hanggang sa pag-ani.


Tampok sa aming inihandang presentasyon ang iba't- ibang uri ng mga produktong gulay na siyang pangunahing kabuhayan, nag-aambag sa pang-ekonomiyang paglago ng bayan at nagbibigay ng sustansya sa lipunan.


Saksihan ang masining, banayad subalit mapwersang indayog na siyang repleksyon ng ipinagmamalaki naming Ilog Angat na siyang daluyan ng buhay at kabuhayan hindi lamang ng mga Angatenyo kundi maging ng mga karatig-pook nito.

Sa araw na ito ay ipupunla sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Singkaban Festival ang ipinagmamalaking katangian ng lahing Angatenyo at ng bagong silang na GulayAngat Festival!

40 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page