Sa Ikalawang Taon ng Pagdiriwang ng Gulayangat Festival sa ating bayan, matagumpay na isinagawa ang "Hapag ng Pamana" cooking contest. Ipinamalas ng mga magagaling na Angatenyo mula sa iba't-ibang barangay ang kanilang kahusayan sa pagluluto, habang nagpapakita ng pagmamahal sa mga lokal na produktong gulay. Narito ang mga naging kampeon:
1st Place - Barangay Marungko
- Tinanghal na kampeon at may premyong 10,000 piso.
- Anjo Deodor at Shiela Mariz Bernardo
- Main dish: Grilled Vegetables Roll
- Dessert: Sweet Crambled Layer
2nd Place - Barangay Sulucan
- Nakamit ang ikalawang puwesto na may 7,000 piso na premyo.
- Joshua Gole Cruz at April Joy Gole Cruz
- MainDish: Ampalaya con Lechon with Gata Sauce
- Dessert: Ampalaya de leche with Caramel.
3rd Place - Barangay Niugan
- Nagkamit ng ika-3 na puwesto na may 5,000 piso na premyo.
- Frederick Rivera at Luis Rivera
- Main Dish: Ampalaya Kangkong with pork
- Dessert: Ampalaya Cucumber with Milk.
Ang kompetisyon ay nagbigay daan upang makilala ang kanilang karunungan sa pagluluto, sa pamamagitan ng paghahanda ng mga masarap at kakaibang lutuin na may kasamang mga lokal na gulay na siyang nagbibigay buhay sa ating bayan.
コメント