Ipinagpatuloy sa Barangay Donacion ang programa na isinusulong ng ating Pamahalaang Bayan na "Gamutan sa Barangay para AReglado ang Kalusugan".
Kasabay ng aktibidad ang pagbabakuna sa mga bata laban sa banta ng polio, rubella at tigdas. Alinsunod ito sa programa ng DOH na Chikiting Ligtas 2023 na naglalayong maiwasan ang outbreak ng nakakahawang sakit.
Maraming salamat sa mga miyembro ng Angat Kalusugan na lagi nating katuwang sa gawaing ito. Sila ang matiyagang umiikot sa barangay upang ipaalam sa mga ka-barangay ang planong medical mission at magtukoy ng mga benepisyaryo ng serbisyong medikal.
Ang libreng gamutan ay pinangunahan ng ating Municipal Health Office na siyang pangunahing kaagapay ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin, gayundin ang Sangguniang Bayan Members sa pagpapatupad ng serbisyong ito.
Comentarios