top of page
bg tab.png

Gabi ng Parangal sa Angatenyong Board Achievers


Nagtipon-tipon sa Municipal Gymnasium upang bigyang-pugay at kilalanin ang husay at tagumpay ng mga kabataang Angatenyo na Board Achievers na nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng edukasyon sa Gabi ng Parangal 2024.


Ang nasabing okasyon ay isinagawa sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO) na si Keanne Cyrene Mangcucang, kasama ang mahalagang tulong at koordinasyon mula sa Sangguniang Kabataan (SK) Federation na pinamumunuan ni SK President Mary Grace Evangelista.

Sa gitna ng mga magiting na kabataan na nagpakitang-gilas sa kanilang mga akademikong tagumpay, hindi mapapantayan ang suporta at pagtangkilik mula sa lokal na pamahalaan. Matibay ang pagtitiwala at suporta na ipinamalas ng ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasama ang mga konsehal na sina William Vergel De Dios, Darwin Calderon, Blem Cruz, Andrew Tigas, Wowie Santiago, at ang pinuno ng Association of Barangay Captains (ABC) na si Alex Tigas.

13 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page