Foot Patrol sa Commercial Area sa Sta. Cruz, Isinagawa ng Angat MPS
- Angat, Bulacan

- Jul 19
- 1 min read

Upang masiguro ang seguridad ng mga negosyo at pamayanan sa bayan, naglunsad ng Foot Patrol ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Builders sa Barangay Sta. Cruz ngayong Hulyo 19, 2026, simula ika-9:31 ng umaga.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, kasama ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang regular na pagpapatrolya sa mga pampublikong pasilidad at sakop ng kalakalan ay may mahalagang layunin para sa pampublikong kaligtasan.
Binigyang-diin ng Angat MPS na ang patuloy na pagsasagawa ng foot patrol ay bahagi ng kanilang komitment na mapalapit sa mamamayan at mabilis na makatugon sa anumang usapin sa seguridad sa buong bayan ng Angat.









Comments